Martes, Enero 3, 2012

Ang Bakasyon ay Di Sulit Dahil Puro Assignments [Nakakainis na Karanasan Ngayong Christmas 2011]

Sa totoo lang hindi ko masyadong nasulit ang bakasyon dahil sa sobrang dami ng projects and assignments. Hindi naman sa nagrereklamo, pero nakakainis lang talaga na hindi ko talaga naenjoy ang bakasyon. Tapos hindi ko pa natapos ang lahat ng projects at assignments. 

Bago Magpasko [May Makwento Lang]


Noong December 24, 2011, syempre malamang bisperas ng pasko at noche buena. Habang ang mga tao sa amin ay abalang abala sa pagluluto ako naman ay abalang abala sa paggawa ng mga kung anik anik na assignments. At syempre yun lang ung oras na pwede kong magamit ang computer dahil ang aking mga kuya ay abalang abala naman sa panunuod ng one piece. Ewan ko bas a mga kuya ko kung bakit gustong gusto nilang manuod ng cartoons, eh ang tatanda na. At buti na lang umalis sila para magsimba at nakasingit naman ako at nakatapos ng iba kong assignment. Un lang.  

Ang mga Babae, Noon at Ngayon [Repleksyon sa kantang “Babae” ni Inang Laya]


Ano nga ba ang ipinapahayag ng kanta sa atin?
            Ipinapaalam sa atin ng kanta na ang mga babae na dati man ay puro kaapihan ang nararanasan pero ngayon ay lumalaban na at naipaglalaban na ang kanilang mga karapatan. Ipinapaalam rin sa atin ng kanta na kung anu-ano ang mga pagkakaiba ng mga babae noon at ngayon. Tulad na lamang sa mga naunang linya na, “Kayo ba ang mga Maria Clara, mga Hule at mga Sisa? Na di marunong na lumaban." Dahil sila Maria Clara, Hule, at Sisa ay mga babaeng di makayanang lumaban at maipagtanggol ang kanilang mga sarili. At dahil din ang mga babae ay walang karapatan, sila ay dapat nasa bahay lamang at hindi pinapayagang mag-aral  di tulad ng mga lalaki. Tulad rin ng nasa ikaapat talata na mga linya na, “Bakit ba mayroong mga Gabriela, mga Teresa at Tandang Sora. Na di umasa sa luha’t awa? Sila’y nagsipaghawak ng sandata.” Sila Gabriela, Teresa at Tandang Sora ay mga naunang kababaihan na lumaban sa mga giyera para maipagtanggol ang mga kapwa Pilipino. At sa ikalimang talata na may mga linyang, “Bakit ba mayrong mga Lisa, Mga Liliosa at mga Lorena. Na di natakot makibaka. At ngayo’y marami nang kasama? Sila naman ngayon ang mga babae na nanguna para maipaglaban ang mga karapatan ng mga kababaihan. Dahil ngayon ang mga kababaihan ay di na pwedeng apihin, alipinin at gamit-gamitin na lamang. At ngayon marami ng mga karapatan ang mga kakabaihan at marami na ring mga batas para ang mga kababaihan ay maipagtanggol.

            Kaya siguro nabuo ni Inang Laya ang kantang Babae, ay dahil para malaman ng mga bagong kabataan kung anu-anong hirap ang mga naranasan ng mga kababaihan noong panahon ng mga mananakop. At kung paano naman lumaban ang mga matatapang na mga kababaihan noong himagsikan. At kung papaano naman ngayon nilalabanan ng mga kababaihan ang mga karahasan. Siguro ang ipinupunto ng kanta ay dapat mahalin, alagaan, galangin, respetuhin ang mga kababaihan. At mga babae na rin ang mga nagtatrabaho.