Martes, Enero 3, 2012

Ang mga Babae, Noon at Ngayon [Repleksyon sa kantang “Babae” ni Inang Laya]


Ano nga ba ang ipinapahayag ng kanta sa atin?
            Ipinapaalam sa atin ng kanta na ang mga babae na dati man ay puro kaapihan ang nararanasan pero ngayon ay lumalaban na at naipaglalaban na ang kanilang mga karapatan. Ipinapaalam rin sa atin ng kanta na kung anu-ano ang mga pagkakaiba ng mga babae noon at ngayon. Tulad na lamang sa mga naunang linya na, “Kayo ba ang mga Maria Clara, mga Hule at mga Sisa? Na di marunong na lumaban." Dahil sila Maria Clara, Hule, at Sisa ay mga babaeng di makayanang lumaban at maipagtanggol ang kanilang mga sarili. At dahil din ang mga babae ay walang karapatan, sila ay dapat nasa bahay lamang at hindi pinapayagang mag-aral  di tulad ng mga lalaki. Tulad rin ng nasa ikaapat talata na mga linya na, “Bakit ba mayroong mga Gabriela, mga Teresa at Tandang Sora. Na di umasa sa luha’t awa? Sila’y nagsipaghawak ng sandata.” Sila Gabriela, Teresa at Tandang Sora ay mga naunang kababaihan na lumaban sa mga giyera para maipagtanggol ang mga kapwa Pilipino. At sa ikalimang talata na may mga linyang, “Bakit ba mayrong mga Lisa, Mga Liliosa at mga Lorena. Na di natakot makibaka. At ngayo’y marami nang kasama? Sila naman ngayon ang mga babae na nanguna para maipaglaban ang mga karapatan ng mga kababaihan. Dahil ngayon ang mga kababaihan ay di na pwedeng apihin, alipinin at gamit-gamitin na lamang. At ngayon marami ng mga karapatan ang mga kakabaihan at marami na ring mga batas para ang mga kababaihan ay maipagtanggol.

            Kaya siguro nabuo ni Inang Laya ang kantang Babae, ay dahil para malaman ng mga bagong kabataan kung anu-anong hirap ang mga naranasan ng mga kababaihan noong panahon ng mga mananakop. At kung paano naman lumaban ang mga matatapang na mga kababaihan noong himagsikan. At kung papaano naman ngayon nilalabanan ng mga kababaihan ang mga karahasan. Siguro ang ipinupunto ng kanta ay dapat mahalin, alagaan, galangin, respetuhin ang mga kababaihan. At mga babae na rin ang mga nagtatrabaho.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento